Filipino: Wika ng Karunungan
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan , ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapapalapit ang tao sa isa't isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drawing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Kahit na anumang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkapan sa paghahatid ng diwa at kaisaipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika, at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang disiplina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika. Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng layunin, ang napakaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibugturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. Batid nating lahat na ang ating wika ay mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan at nagbibigay-daan upang bawat isa ay tunay na magkaunawaan. Ang mga kaisipan at mga kakintalang nais nating iparating ay madaling naiintindihan dahil sa pagkakaroon natin ng isang wikang pambansa. Ang patuloy na pag-unlad at paglinang ng ating wika ang magdadala sa atin sa dulo ng tuwid na landas. Hindi maitatatwa ang mga pagsubok na kinaharap noon ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagpili ng maging opisyal na wika ng Filipinas. At sa kasalukuyan, walang untol na nililinlang at pinagyayabong pa ang wikang Filipino hindi lamang sa loob ng akademyang gaya rito bagkus maging sa iba't ibang sektor ng ating lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento